Si Crush


Isa sa deskripsyon ng  Pag-ibig ay ang ideya sa pagbibigayan, na tulad sa isang kasabihan na, “Ang pag-ibig ay hindi pag-ibig hanggat hindi ito ibinibigay.”


Tunay na tayo ay naniniwala na makapagbibigay naman tayo kahit walang pag-iibigan na nagaganap, ngunit siguradong hindi tayo makapagmamahal ng walang pagbibigayan. Ang kasabihang ito ay tunay na nagaganap sa ating buhay.


Isang patunay ang nararanasan ko ngayon.  Ang Paghanga para sa akin ay isang paraan din ng Pag-ibig. Pag-ibig na may dalang ligaya na kaniyang ibinigay na malugod kong tinanggap. Pag-ibig na aking nadama ng siya ay nakilala. Pag-ibig na naglagay ng ngiti sa aking labi na dati’y hindi nasisilayan ng liwanag. Liwanag na siya’y naging tanglaw sa pag-aaral nang mabuti. Inspirasyon, sabi nga.


Jefferson Dizon
      Si Inspirasyon ay isang mabuting ehemplo sa kabataan, nag-aaral nang mabuti para sa magandang kinabukasan. May mga pangarap na hindi lamang niya ikauunlad kundi pati ng bayan. Si inspirasyon ay may mga ngiting wari mong liwanag na nagmumula sa haring araw na hindi mo maiiwasang ngumiti at magpatuloy sa iyong gawain. Si Inspirasyon na laging nagbibigay ng tamis sa aking puso. Ang puso kong kumakabog nang malakas kapag siya ay nakikita. Siya na bumubuo ng araw ko.


Ang Pag-ibig ay hindi lang bastang isang salita na maaaring kapalooban ng kung anu-ano na lamang na salita o ideya, dahil ang Pag-ibig ay kailangang sumalamin at maranasan sa paraan ng ating pamumuhay, sa kilos at isip, sa paglilibang at sa pag-aaral, at sa mga ligaya at sakit na ating nararanasan.


Sa ating buhay, meron tayong sarili-sariling paraan kung paano ito ipadama o ipamahagi sa iba at ang ekspresyong ito ay laging walang katulad at personal. Ang iba ay kayang ibigay ang kanilang buong oras para sa kanilang minamahal, ang iba ay mga materyal na bagay ang ibinibigay upang masabing nagmamahal siya ng lubus-lubusan at minsan kahit buong pagkatao ay binibigay na.

Ang Pag-ibig ay hindi nangangailangan na tayo ay dapat pang magpa-pako sa krus para lamang mapatunayan ang pag-ibig natin sa kanila. Naniniwala akong sa mga simpleng bagay lamang ay maipadadama na natin ang ating tunay na pag-ibig sa ating mga mahal sa buhay.

Tunay na ang pag-ibig ay hindi nasusukat sa dami ng ibinibigay ngunit sa kung gaano mo katotoo o katapat ito ibigay.

0 comments:

Post a Comment