Sampung Taon Mula Ngayon, Heto Na Ako


        Lahat tayo ay nangangarap ng magandang buhay. Makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng disenteng trabaho. Bawat tao kasaganahan ang iniisip, kaginhawaan at kaligayahan sa buhay. Sa una ay payak na pamumuhay lamang ang iniintindi hanggang sa huli ay lumawak na ang ambisyon sa buhay. Makaangat at guminhawa, iyan ang mga salitang laging binabanggit pagdating sa pangarap sa buhay.


        Nakikita ko ang sarli ko sampung taon mula ngayon bilang isa sa mga pinakamagagaling na Computer Programmer o hindi kaya ay isang Computer Analyst. Isa sa mga hinahangaan ng bagong henerasyon hindi lamang sa larangan ng teknolohiya kundi sa lahat ng larangan. Presidente at may-ari ng sarili kong kumpanya. Kumpanyang lahat ay hinahangad na mapasok at mapagtrabahuhan. Kumpanyang mahirap kalabanin at pataobin. Kumpanyang magpapaunlad ng ating bansa.


        Yayaman ako at makukuha ko lahat ng gusto ko. Giginhawa at maibibigay ko lahat ng gustuhin ng mga magulang ko na siyang ikapupuno ng ngiti ng kanilang labi. Magiging masaya ang aking pamilya. Maipagmamalaki na nila ako sa buong mundo.

        Walang sino man ang hindi naghangad na magkaroon ng maraming pera, malaking bahay at magagarang sasakyan. Mga luho na nais mong makamit kaya ka nagpupursigi sa buhay. Kayod kalabaw kung kayod kalabaw basta’t kapalit ng dugo at pawis mo balang araw ay kasaganahan at kasiyahan. Ngunit sana sa mga biyayang iyong makukuha ay makuntento ka na at laging pasalamatan ang lumikha at nagbigay ng lahat ng iyong tinatamasa, ang Dyos Ama.

0 comments:

Post a Comment