Ako Bilang Isang Bagay

        Kung ako ay magiging bagay gusto kong maging PERA, ang PERA na lahat ay ninanais makuha. Makuha lamang kahit makagawa na ng mali. Maling kapalit nang saya kapag ako ay napasaiyo. Ikaw na liligaya sa piling ko. Makukuha lahat kapag ako ang kasama.

        Pera na hindi mo kayang mawala sa iyo dahil hindi ka mabubuhay kapag wala ako. Ako na magpapatakbo ng buhay mo. Ang buhay mong maghihirap kapag tuluyan na akong nawala sa iyo. Ipaglalaban kapag inagaw sa iyo. Malulungkot kapag nabawasan o naiwan. Iiyakan kapag hindi nakuha. Aalagaan nang mabuti para hindi mawala at kung mawala man ay gagawa ng paraan para maibalik. Pagpupursigihan mong gawin ang lahat makamit lamang ako. Pagpapaguran at paghihirapan mo ako dahil kailangan mo ako sa buhay mo.

0 comments:

Post a Comment