ang sining ng aking pangalan

J-ologs man akong maituturing sa inyong paningin
O-ras na ako’y magseryoso, sarili nyo’y tanungin
Y-aong babaeng ito’y akin pa nga bang gagaguhin?
                                     
K-asuklaman ninyo man ako at layuan ng lahat
A-ko’y tatayo, haharap, lalaban ng walang awat.
R-ebelde ang akala sa ‘kin ngunit ako’y mabait
R-espeto lang ang aking nais, respetong walang pait.
E-wan ko ba sa inyo’ng mapanghusga’t ‘di nag-iisip
N-iyurakan nyo ako, inintindi manlang sa halip.

ang aking mga karanasan sa filipino110

Ang sabi ng karamihan, ang silid-aralan o paaralan ang pangalawang tahanan ng isang tao. Dito nahuhubog ang kakayahan ng isang indibidwal. Ang mga guro naman ang itinuturing na pangalawang magulang ng mga bata. Humuhulma sa moralidad ng kabataan at silang nagpupursigi na matupad ang mga pangarap ng kani-kanilang pamilya sa kaniyang mga anak.
Bawat karanasan sa paaralan o sa loob ng silid-aralan ay paniguradong may kaakibat na ngiti o pighati. Karanasang kikintal sa bawat isip ng mga tao kung bakit ito natin ginawa, magbubukas sa isipan ng lahat na hindi biro ang buhay sa loob ng CLSU at hindi biro ang saya na dulot ng Filipino110 sa ilalim ng pamumuno ni Sir Jayson.
Ang karanasan ko sa Filipino110 ay hindi kayang tumbasan ng kahit ano man, walang kapalit at walang kapantay. Ang saya na dulot nito ay siyang nagtulak sa akin upang mag-aral ng mabuti. Walang buhay at kwenta ang pag-aaral kung laging seryoso at walang kasiyahan. Lagi kang pagod, hindi lamang ang iyong katawan kundi pati na rin ang iyong isip at kaluluwa. Tatamarin at bababa ang iyong marka dahil sa inip at lungkot. Kaya nariyan ang asignaturang Filipino, hindi lamang tunay na magandang asignatura kundi masayang klase lalo na kung nasa ilalim ka ng pamamahala ni Sir Jayson Valenzuela Sobrevilla, isang tunay na hitad, ay ibig kong sabihin ay isang tunay na mabait at bibong guro ng Departamento ng Filipino.
Dahil sa kanya mas natutunan kong pahalagahan ang wikang Filipino, mahalin ang sariling atin at ipagmalaki ang wagas na yaman ng Filipino. Natuto din akong gumamit ng wastong gamit ng mga salita sa isang pangungusap o pahayag , gawing masining ang paglalahad ng saloobin upang hindi makasakit at makapanghikayat at sumulat ng mahusay ng mga komposisyon. Natuto akong ngumiti sa kabila ng lungkot ng buhay at sa hirap ng mga gawain o pagsasanay sa pag-aaral. Ilan lamang ito sa aking mga natutunan at magagandang karanasan sa Filipino110 at masasabi kong ito kasi marahil ang pinakamaganda at masayang bahagi ng mga karanasan ko sa asignaturang ito. Hindi ko ito malilimutan, hindi lamang ang mga sandaling si Sir Jayson ay kami’y napangiti kundi ang mga talino at kaalaman niyang hindi ipinagdamot na ipamahagi sa amin.
Kayo ba ano ang mas gusto nyo, sa seryoso at malalim na talakayan na klase o sa masaya at mahusay na talakayan? Isipin lagi na ang bawat desisyon ay isang karanasang hindi matutumbasan ng ano man at nino man.

para kay sir jayson

         Ang drama naman ng bahaging ito, kung saan ginawan namin ng komposisyon ang isa naming guro na naging kaibigan na sa aming lahat. Napakapormal at taos ang sensiridad ng yugtong ito. Pang-Grammy’s Award kumbaga.
Hindi ko akalain na ganito ang magiging attachment namin sa inyo Sir. Noon pa mang High School, noong Practice Teacher ka pa lamang namin sa National ay you always wear your Poker Face. No one can predict if what the real thing that your thinking, pero parang isang bagyong dumaan na ang mga tao’y naghihintay ng liwanag mula sa kalangitan kapag ikaw ay ngumiti na at nagbiro, lalo na pag iniinis nyo po si Allysa at Devine, palong-palo. Nakakatuwa Sir na hindi kayo katulad ng ibang teachers na ang nasa isip na lang ay Teacher Kayo at Kame ay Estudyante. Hindi marunong magbiro at laging seryoso sa buhay. Mataas ang tingin sa sarili at walang ibang tama kundi Sila lang. Hindi kayo tulad ng iba na hindi makakausap ng matino dahil kung ano ang sinabi na nila iyon na iyon. Mabait at may konsiderasyon kayo Sir. Malaki ang pasasalamat namin sa Dyos na ikaw ang naging guro namin ngayon sa Filipino, Sir. Hindi lang masayang guro kundi totoong tao at walang arteng guro.
Maraming salamat Sir sa lahat ng inyong naituro sa amin, maraming salamat sa pagpapasaya sa amin at sa pagbago sa pananaw namin sa asignaturang Filipino. Sir, pagpasensyahan nyo na po ang mga kahitadan ni Allysa ng madalas at kapokpokan ni Divine minsan. In love lang po si Divine kay Kelvin, wala po syang kasalanan. Nagmamahal lang po sya. Si Allya naman po, ayos lang po kahit papaano na lagi nyo syang asarin dahil kayo nga lang po kasi ang katapat nya, pero pasensya pa din po sa mga kakulitan naming hatid sa buhay ninyo. Sana po naging masaya din kayo sa piling namin. Salamat Sir. 

Si P-NOY para sa mga Pinoy

                       Si Pangulong Bengino S. Aquino ang naluklok na pangulo ng Pilipinas noong nakaraang eleksyon. Isa siyang oposisyon noong panahon ni dating Pang. Gloria Macapagal Arroyo. Kamusta nga ba si Pang. Benigno Aquino bilang president n gating bansa? Anu-ano na ba ang mga nagawa niya para sa ating mga Pilipino? Matutupad kaya niya ang kanyang mga pangako noong panahon ng eleksyon?

                Para sa akin, naging mabuti rin ang pagkakaluklok ni P-Noy bilang pangulo ng ating bansa. Makikita sa kanyang mga gawa na unti unti nang naisisiwalat ang mga baho ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan. Unti unti nang nawawala ang korupsyon sa ating bansa. Nawa ang ganitong hangarin ay magpatuloy at hindi magningas kugon lamang sapagkat maraming mga Pilipino ang umaasa nang isang malaking pagbabago sa kanilang buhay. Maraming Pilipino ang umaasa sa isang bagong Pilipinas, isang maunlad na bansa. Ang pagkakatanggal sa mga tiwaling opisyal ng bansa ay isang magandang pangitain na mawawala na ang utak wang wang. Para sa isang mamamayang tulad ko, maganda para sa akin na mawala ang mga opisyal ng gobyerno na walang ibang alam gawin kundi ang mangurakot at nakawin lamang ang kaban ng bayan subalit, sinong mga opisyal ang ipapalit niya sa mga ito? Tinanggal niya nga ang mga tiwali subalit ang ipapalit naman niya ay ang mga taong walang sapat na karanasan kung paano papatakbuhin an gating bansa.
                Ang pagpapatakbo ng isang bansa ay hindi isang madaling gawain. Hindi lamang katalinuhan ang kailangan upang mapatakbo ito ng maayos. Naniniwala ako na kailangan din ang sapat na karanasan sa pamumuno sapagkat ang isang mabuting pinuno ay alam kung paano tutugunan ang mga hinaing ng kanyang mga nasasakupan nang walang sinuman ang naaapakan. Higit sa lahat, ay isang pinuno ay kinakailangang may takot sa Diyos na Siyang gagabay sa kanya sa matuwid na pamumuno.
                Sa pagpili ni P-Noy ng kanyang mga gabinete ay dapat hindi niya ginawang basehan ang pagiging malapit o kaibigan nila bagkus, mas mabuti kung ang mas may mga karanasan ang kinuha niya. Sa pamamagitan nito, mas magiging maganda sana ang katayuan ng ating bansa ngayon.
                Hindi pa marahil handa si P-Noy bilang pangulo ng ating bansa sapagkat hindi ko makita sa kanya ang talagang tungkulin ng isang presidente. Hindi niya masolusyonan nang maayos ang mga simpleng problema gaya ng “hostage taking” noon. Nakikita ko rin sa kanya na nakatuon lamang sa nakaraang administrasyon ang kanyang mga gawain. Sinasabi niya na tayo ay patungo sa kaunlaran subalit, hindi niya masabi kung paano tayo makapupunta roon. Mahalaga para sa akin ang prosesong gagawin sapagkat ako, bilang isang mamamayan ay nais ding makibahagi sa programa ng pamahalaan na magdadala sa atin sa kaunlaran kahit sa maliit na paraan lamang. Hindi ko makita ang nais ni P-Noy na “maging” sa ating bansa. Paano nga ba masasabi na maunlad na ang Pilipinas?
                Kailangan ba ng marami at matataas na gusali upang masabi lang ng maunlad tayo? Sa bagay, kung walang gusali, walang empleyado subalit hindi natin kailangang ibuhos lang ang pansin natin kung paano magkakaroon ng mga gusali. Para sa aking ordinaryong mamamayan lamang, ayos na sa akin makakain lang ng tatlong beses sa isang araw at matustusan ang mga gastusin sa bahay.
                Paalala lang po sa mga opisyal ng pamahalaan, higit sa lahat, kay P-Noy, isang mabuti at matuwid na pagpapatakbo lamang ang nais naming mga mamamayan. Naniniwala kami na sa pamamagitan noon ay hindi masasayang ang buwis na binabayad ng aming  mga magulang maging ang VAT naibinabayad namin sa tuwing kami ay bumibili ng mga produkto. Gusto rin namin ng hustisya na hindi nababayaran upang maparusahan talaga ang totoong nagkasala sa batas. Maging pantay pantay din sana ang pagtrato sa ordinaryong nagkasala at sa mga nagkasala na may mga pera at kilala. Nawa’y makarating sa inyo ang simpleng kahilingan na ito.